Fr. Chito Dimaranan’s Homily for the 15th Sunday of Ordinary Time

DI MALAYO; NASA BIBIG, NASA PUSO

Ika-15 Linggo ng Taon(K)
Julio 11, 2010

Mga Pagbasa: Dt 30:1—14 / Col 1:15-20 / Lucas 10:25-37

Noong nakaraang Linggo, nagwika tayo nang kaunti tungkol sa pagbibingi-bingihan. Mahirap tawagin ang taong nagbibingi-bingihan. Mahirap gamutin ang taong nagsasakit-sakitan. Ang tunay na bingi ay may pakiramdam. Ang nagpapanggap na bingi ay manhid, walang pakundangan sa anuman!

Nakakatuwang makita ang mga nahuhuli dahil sa wangwang, blinkers, sirena, o dahil sa “color coding” na wala namang kinalaman sa “color.” Kanya-kanyang palusot, kanya-kanyang dahilan … “bagong dating lang ako sa Pilipinas,” ang sabi ng isang medyo tisoy … “hindi ko alam,” ang sabi naman ng isang matronang con todo colorete sa mukha … “iisa lang ang sasakyan naming,” ang pilit ng isang matabang ale. Ang sabi naman ng isang halos mahimatay sa iyak, “nagmamadali kami dahil sa may hinahabol na apoitnment sa duktor!” Maraming dahilan …maraming sandalan …

Nguni’t tingnan natin saglit … may kawawaan ba talaga ang lahat ng dahilang ito? May saysay ba at kahihinatnan? May kahulugan ba ito at kaugnayan sa mga pagbasa natin ngayon?  Continue reading here.

Leave a Reply