PANGITAIN, PANGAKO, PAGGAWA

Homiliya ni Fr. Chito Dimaranan para Ika-6 na Linggo ng Pagkabuhay(K) Mayo 9, 2010

Mga Pagbasa: Gawa 15:1-2, 22-29 / Pahayag 21:10-14, 22-23 / Juan 14:23-29

Puro kalumaan ang nakikita natin sa mga nagaganap sa lipunan. Lumang mga trapo, halimbawa, ang mga nagsisikap bumalik sa “paglilingkod sa bayan.” Lumang politika, ang namamayagpag sa bayan natin. Pati ang pagmasaker sa mahigit sa 50 katao ay lumang politika na nabahiran sa mula’t mula pa ng karahasan.

Panay kalumaan ang natutunghayan natin saanman … liban dito … sa simbahan, kung kailan ang mga pagbasa ay nagwiwika tungkol sa wagas at taos na pagbabago.

Sa unang pagbasa, naging isang malaking suliranin kung ang lumang batas ni Moises ay dapat pang maghari. Upang lutasin ito, ipinadala sina Pablo at Bernabe sa Jerusalem. Bagama’t hindi nila binale-wala ang batas ni Moises, malinaw na may isang panibagong batas na umiiral – ang bagong batas na dulot in Kristo.  Continue reading here.

Leave a Reply