Hindi Sila Maaagaw Ninuman sa Ama!

Homiliya ni Fr. Chito Dimaranan para sa Ika-4 na Linggo ng Pagkabuhay(K)
Abril 25, 2010

Mga Pagbasa: Gawa 13:14, 43-52/ Pahayag 7:9, 14b-17 / Juan 10:27-30

Hirap ako sa araw na ito, bilang pari, na gumawa ng anumang paliwanag sa mga salita ng Diyos na kababasa lamang natin. Ang tatlong pagbasa ay may kinalaman sa pagkalinga, pangangalaga, pagmamalasakit, at pagtataguyod sa buhay ng mga tupang ligaw, tupang maamo at inosente, tupang handang mahubog tungo sa isang malinaw na kinabukasan.

Ito ang pinagmalasakitan nina Pablo at Bernabe. Ito ang kanilang walang kapagurang pinanagutan at pinagpagalan. Ito ang halos ikamatay ng dalawa sa ilang mga pagkakataon – ang maging ilaw sa mga Hentil at magbalita ng kaligtasan “hanggang sa dulo ng daigdig.”

Subali’t ngayon, magmula sa lahat ng sulok ng daigdig, ay lumilitaw ang mga balitang salungat sa mabuting pastol. Ang lumalabas na pinagpipiyestahan ng mass media ay ang kabulukan ng ilang tupa sa simbahan na nanlaso at nanalasa sa mga inosenteng batang parang mga tupang walang kamuang-muang, nguni’t nasadlak sa nakaririmarim na pananamantala ng mga tinaguriang pastol ng simbahan.   Continue reading here.

Leave a Reply