Homiliya sa Tagalog para sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw ng Paghahanda

From: Fr. Chito’s Kalakbay at Katoto Blog.

LANGIT ANG TUNAY NATING BAYAN

Isa sa mga palatandaan ng postmodernismo ay ang palaisipang ang mahalaga ay ang nakikita, ang nahihipo, ang nabibilang, at nasusukat. Ang katotohanan ay hindi tiyak, hindi maipapako sa iisang paka-unawa, at bagay na napapalitan, nababago, at nahuhubog. Ang objetivong katotohanan, ayon sa palaisipang ito, ay hindi makakamtan ninuman.

Isa ito sa pinakamahalagang dahilan kung bakit ang karamihan ng tao ay puno ng pagdududa, at ang pagtitiwala ay tila naglaho nang parang bula. Wala tayong tiwala sa mga namumuno. Wala tayong tiwala sa mga naghahatid ng balita. Ang lahat ng institusyon ay pinagsususpetsahan ng balana. At ang nagsisikap mamuno ay nananalo lamang kung pina-aandar ang pera o dili kaya ay malawakang pandaraya.

Bunga ng lahat ng ito ang paniniwalang ang buhay ay nakatuon lamang dito sa lupang ibabaw. Kung ang mahalaga ay dito at ngayon, ang impiyerno, ang purgatoryo, at ang langit ay hindi na masyadong pinag-uusapan.

Tutumbukin ko na agad ang gusto kong sabihin … May langit, kaibigan. May purgatoryo at may impiyerno. Ito ang turo ng Simbahan magmula pa noong una, sapagka’t ito ang nilalaman ng Banal na Kasulatan.



Leave a Reply